CAUAYAN CITY- Natupok ng apoy ang isang residential house na may karinderia sa Barangay District 2, Benito Soliven, Isabela.
Sa mga nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Benito Soliven Fire Station posibleng naiwang nakasaksak na bentilador ang sanhi ng sunog.
Ayon sa apo ng may-ari ng bahay, natutulog sila ng kaniyang anak ng sumiklab ang sunog , naalimpungatan siya ng marinig niyang may pumutok at nagulat na lamang siya ng makitang nasusunog na ang bentilador o wall fan na kanilang ginagamit sa kwarto.
Naging maagap sila at agad na lumabas ng bahay at kasalukuyan ay nasa ligtas na kalagayan.
Natupok ng apoy ang mahahalagang dokumento at appliances sa loob ng bahay.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ng Bernito Soliven Fire Station kaugnay sa tunay na sanhi ang sunog na mabilis na kumalat sa buong bahay.
Naging katuwang ng Benito Soliven Fire Station ang, BFP Gamu, BFP Naguilian, at iba pang fire volunteer habang pinangunahan naman ng PNP Benito Soliven ang daloy ng trapiko.