--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumaas ang bilang ng mga bahay kalakal na naapektuhan sa panibagong surge ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, information officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) region 2, sinabi niya na may natanggap na silang mga ulat hinggil sa mga establisiyemento na nagbawas ng mga tauhan, pansamantalang nagsara at permanenteng nagsara.

Batay sa kanilang talaan,  mula Enero hanggang ngayong buwan ng Abril 2021 ay nasa 280 na establisiyemento na may 6,804 na manggagawa ang nagpapatupad ng flexible working arrangement sa sektor ng transportasyon, konstruksiyon, agrikultura at iba pa

Umaabot naman sa 16 na establisiyimento ang nagbawas ng mga manggagawa at nasa 414 ang apektadong manggagawa, habang 14 na establisiyemento ang permanenteng nagsara at maraming manggagawa ang naapektuhan.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Trinidad, umaasa sila na hindi na madadagdagan ang bilang ng mga establisiyemento at manggagawa na maapektuhan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso COVID-19.

Ang pahayag ni Ginoong Chester Trinidad