CAUAYAN CITY- Binato ang bahay ng Sanguniang Bayan Mamber at tumatakbong Alkalde sa bayan ng San Mateo, Isabela na si Agosto Gamboa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SB Agosto Gamboa, sinabi niya na gabi nangyari ang pamamato sa kaniyang bahay kung saan mayroon umanong dalawang indibidwal na nakasakay sa motorsiklo na bumato sa kaniyang bahay.
Aniya, iniulat niya ito sa kapulisan na agad namang tumugon ngunit wala na umano sa kanilang bahay ang suspek sa pamamato nang magtungo roon ang mga Pulis.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay muling bumalik ang mga nakamotorsiklo.
Ayon kay Gamboa, matagal na siyang nasa pulitika ngunit nito lamang taon na ito na nakaranas siya ng ganito dahil simula aniya noong nag-file siya ng kandidatura para sa May 2025 election ay pangalawang beses nang may nambato sa kaniyang tahanan.