--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang nailigtas na ano mang kagamitan ang isang pamilya sa Purok 4, Santa Maria, Alicia, Isabela matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Elsa Espiritu na nagtatanim sila sa kanilang bukid ng tumawag ang kanilang kapitbahay at ipinaalam na nasusunog ang kanilang bahay.

Kaagad silang umuwi at nakitang tuluyan nang natupok ng apoy ang kanilang bahay at wala silang naisalbang kagamitan.

Ayon sa salaysay ng kanyang kapitbahay may nakitang nagliyab na  linya ng kuryente sa kanilang bahay na naging sanhi ng sunog.

--Ads--

Siyam silang nakatira sa kanilang bahay at tanging mga bata lamang ang naiwan na kaagad namang nakalabas nang magkaroon ng sunog.

Inihayag naman sa Bombo Radyo ni Senior Fire Officer 2 Joseph Eugenio ng BFP Alicia na kaagad silang nakatugon ngunit natupok na ng apoy ang bahay na gawa ng light materials.

Aniya, lost of connection sa service drop patungo sa bahay ni Espiritu ang pinagmulan ng sunog.