--Ads--

CAUAYAN CITY – Natupok ng apoy ang bahay ni Ginang Teresita Prado sa barangay Plaridel, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SFO1 Alberto Quiambal, Chief Investigator ng BFP Santiago na sa kusina nagsimula ang apoy kung saan nakakabit ang exhaust fan sa kisame.

Ang exhaust fan sa kisame ang pangunahing tinitignan pinagmulan ng sunog.

Batay sa salaysay ng kapitbahay ni Gng. Prado, nakarinig sila ng mahinang pumutok na galing sa loob ng bahay bago sumiklab ang sunog.

--Ads--

ilang damit at papeles lamang ang nakuha sa natupok na bahay.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng natupok na ari-arian.