--Ads--

CAUAYAN CITY– Tumanggap ng parangal  ang Balamban Dance Festival ng Lungsod ng Santiago bilang Best Tourism Event sa ginanap na Pearl Awards 2019 ng Association of Tourism Officers of the Philippines – Department of Tourism (ATOP-DOT) na ginanap sa Paoay Church Grounds, Paoay, Ilocos Norte.

Ito ay makaraang ang   Santiago City ay  tumaas ang bilang ng mga turista na bumisita sa lungsod noong nakaraang taon na nakapagbigay ng dagdag kabuhayan sa mga pampasaherong van at tricycles.

Ayon kay City Mayor   Joseph Tan, nagkaroon din ng isang buwang Trade Fair kung saan ay nabigyang pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na maipromote  ang kanilang mga produkto na  nakaengganyo sa mga turista.

Personal na tinanggap ni Punong Lunsod  Tan ang parangal at inihayag ang lubos na pasasalamat sa naibigay na pagkilala sa Balamban Dance Festival.

--Ads--

Ipinagdiriwang ang Balamban Dance Festival mula ikaisa hanggang ikalima ng Mayo kaalinsabay ng pagkakatatag ng Santiago bilang isang lungsod.

Ang pangalan ng pagdiriwang na Balamban ay halaw sa isang makalumang sayaw na nagmula sa paggaya ng mga  katutubo sa kilos at kumpas ng mga paru-paro.