--Ads--
Itinanggi ni Executive Secretary Ralph Recto na magkakaroon ng balasahan sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Recto na ang nasabing mga usapin ay hindi nakakabuti sa gobyerno ganun din sa mamamayang Filipino.
Dagdag pa nito na lahat ng mga itinalaga sa gabinete ay mahigpit na binabantayan ng pangulo ang kanilang performance.
Pagtitiyak niya na lahat ng mga cabinet members ay nakatuon sa trabaho nila.
--Ads--
Magugunitang kumalat ang usapin na magkakaroong balasahan sa ilang gabinete ni Pangulong Marcos na unang pinabulaanan na rin ng Malakanyang.











