CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang Balikatan Exercises 2024 sa kabila ng naging presensya ng ilang Chinese Maritime Militia Vessels sa Hilagang Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LCol. Rodrigo Lutao, tagapagsalita ng AFP Northern Luzon Command, sinabi niya na bagamat may tatlong Chinese Maritime Militia na namataan sa kasagsagan ng Balikatan Exercises sa Hilagang Luzon ay wala namang silang ginawang hakbang upang makagambala sa nasabing aktibidad.
Bago pa man anya matapos ang Balikatan Exercises ay umalis na rin ang mga nasabing barko.
Mas malawak anya ang Balikatan Exercises ngayong taon dahil sa iba pang bansa na nakibahagi sa nasabing aktibidad.
Samantala, patuloy namang binabatayan ng AFP Northern Luzon Command ang mga barko ng China sa Bajo De Masinloc.
Ayon kay LCol. Lutao, mas kaunti ngayon ang mga Chinese Vessels sa nasabing lugar kung saan ay mayroon lamang tatlong China Coast Guard Vessels at labinanim na Chinese Maritime Militia Vessels.