--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naipadala sa Comelec Cauayan ang 131 ballot boxes na gagamitin ng mga presinto sa 65 barangays ng lungsod.

Ayon kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, aniya, natanggap ang ballot boxes noong semana santa at bukas itong makita ng publiko.

Sa ngayon aniya ay tanging ang ballot boxes pa lamang ang dumating at inaantabayan naman ang pagdating ng mga Automated Counting Machine (ACM).

Titiyakin naman aniya ng Comelec na bantay sarado ng pulisya ang lahat ng election paraphernalia upang hindi ito masabotahe ng sino mang indibidwal.

--Ads--

Samantala, kaugnay naman sa unti-unting pagdating ng election paraphernalia ay ang patuloy na pagsasagawa ng training ng mga election servers.

Ang training na ito ay paghahanda para matiyak ng comelec na alam ng mga election servers at desotech ang kanilang gagawin upang ma protektahan at hindi magka problema sa mga ballot boxes at ACM.