CAUAYAN CITY – Tuluyan ng ipinataw ng Ombudsman ang preventive suspension sa kontrobersyal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo.
Ito ay kaugnay ng reklamong inihain ng Department of the Interior and Local Government dahil sa pinaniniwalaang pagkakasangkot ng ni Guo sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operator sa naturang bayan.
Layunin ng naturang suspensyon na mabigyang daan ang mas maayos na pagsisiyasat na isinasagawa ng mga kinauukulan.
Matatandaan na una ng pinabulaanan ni Guo na sangkot ito sa operasyon ng POGO.
Una nang nanawagan si Senator risa Hontiveros ng Preventive suspension ni Mayor Guo bago paman ang pag raid sa POGO sa Bamban, Tarlac.
Ayon kay senador Hontiveros nakatanggap sila ng impormasyon na SINUBUKAN umano ng alkalde hadlangan ang isinasagawang imbestigasyon matapo ang naturang raid.
Aniya, walang alinlangang may kaugnayan din si Mayor Guo sa POGO. Kahit ilang beses pa umano siyang magsinungaling, gayun din ang ilang beses niyang hindi maalala ay dokumentado ang koneksyon niya sa POGO.
Hindi naman aniya dapat kalimutan na ang na-raid na POGO sa Bamban, Tarlac ay umano’y mayroong hacking at surveillance activities na may dalang scam, krimen, at human trafficking sa bansa.
Inaasahan naman ni Hontiveros na sa kanilang Executive Session lalong maliliwanagan sa totoong papel ng alkalde hindi lang sa mga POGO, kundi pati sa mga banta sa ating pambansang seguridad.