--Ads--

Patuloy na bukas para sa publiko at mga mall-goers ang Bambanti Fair na ginaganap sa isang malaking mall sa Lungsod ng Cauayan, kung saan tampok at ipinagmamalaki ang iba’t ibang produktong likha ng mga lokal na negosyante mula sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Assistant Mall Manager Anna Lorlina Villahermosa, sinabi nitong malaking tulong ang Bambanti Fair para sa mga maliliit na negosyante dahil nagsisilbi itong plataporma upang maipakita at maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.

‎Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan din ang pamunuan sa Department of Trade and Industry (DTI) upang maitampok sa naturang aktibidad ang mga produktong gawa sa Isabela.

‎Ipinaliwanag din nito na bukod sa kilalang cornik na madalas binibili ng mga mamimili, marami pang ibang produktong maipagmamalaki ang lalawigan tulad ng processed canned goods, iba’t ibang uri ng chips, at mga crafts na likha ng mga lokal na manggagawa.

--Ads--

‎Samantala, inimbitahan ni Villahermosa ang mga Isabeleño at mga bisita sa lungsod na magtungo sa Bambanti Fair na magtatagal hanggang Enero 31, at suportahan ang mga produktong likha ng sariling atin bilang ambag sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

‎Bukod dito, bukas din sa publiko ang exhibition ng mga Bambanti King and Queen creative attires at gowns, na nagpapakita ng pagiging malikhain, husay, at kultura ng mga Isabeleño.