--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Bambanti Festival 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Joan Maranan ng Isabela, sinabi niya na nasisiyahan ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela dahil matagumpay na naidaos ang Bambanti Festival.

Aniya, naging masaya ang pagdiriwang ng nasabing pista ngayong taon dahil talagang nag-enjoy ang lahat ng dumalo.

Highlights ngayong taon ang malaking Arko na maaaring pumunta sa itaas nito upang masilayan ang buong Bambanti Village.

--Ads--

Aniya, lahat ng munisipalidad at lungsod sa lalawigan ay nagpamalas ng husay at galing kaya nahirapan ang mga hurado sa iba’t ibang patimpalak sa pagpili ng mananalo.

Ang mga Agri-tourism booths ay magtatagal hanggang ikalabing lima ng Pebrero upang magkaroon ng pagkakataon ang mga Isabeleño na muling bisitahin ang mga ito sa Provincial Capitol Grounds.

Ayon kay Maranan, malaki ang naitulong ng Bambanti Festival sa paglago ng turismo ng lalawigan dahil sa pagdagsa ng maraming turista sa lugar.

Opisyal na nagbukas ang Bambanti Festival noong ikadalawampu’t dalawa ng Enero at nagtapos kagabi kung kailan ginanap ang Grand Pasasalamat Concert na dinaluhan ni Morissette Amon at ang bandang The Juans.