--Ads--

CAUAYAN CITY – All set na ang Bambanti Festival 2024 ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Rado Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag sinabi niya na kasabay ng kick off ng Bambanti Festival ay makikiisa sa fun run ang bigating artista gaya nina Mark Herras, Joseph Bitangcol at Matt Evans.

Makikiisa rin sa kasiyahan sa Bambanti Festival ang ilang vloggers at Beauty Pageant title Holders.

Kabilang naman si Vice President Sara Duterte sa mga panauhing pandangal sa Bambanti 2024 kasama si Senator Bong Revilla habang isa sa mga judge o hurado sa Queen ISabela ay si Ms. Margie Moran.

--Ads--

All set na rin ang magtatagisan na 34 Agri tourism  Booth at Giant Scare crow, Makan ken mainum, street dance, Bambanti King and Queen at Queen Isabela .

Bilang paghahanda naman sa posibleng dagsa ng mga motorista sa unang araw ng Bambanti Festival 2024 ay isasara ang ilang pangunahing kalsada habang may mga bubuksan ding rerouting para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Inaasahan narin ang 24/7 visibility ng PNP, BFP at PSG’s ng pamahalaang Panlalawigan para sa seguridad ng pagtitipon.