Matagumpay ang huling mga aktibidad para sa Bambanti Festival kabilang ang Grand concert featuring ang iba’t ibang mga Banda kabilang si Ely Buendia at Moonstar 88.
May special performance ni Isabela Got Talent Grand Champion Ralph Angelo Babaran mula sa Lungsod ng Santiago.
Nanatiling bukas hanggang kahapon ang Agri-Eco Tourism Booth at Giant Bambanti.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Joan Dy Maranan, sinabi niya na maraming mga Isabelino ang talagang na enjoy ang pamamasyal sa Agri-Eco Tourism Booth dahil sa mas malaki ang size ng mga ito kumpara noong mga nagdaang taon.
Aniya sa kabuuan ay naging maganda ang pagtanggap ng mga Isabelino sa ilang pagbabago sa Bambanti Festival ngayong 2025.
Matatandaang maging ang mga bumisitang Ambassador sa Lalawigan ay nanood din ng Street Dance Showdown.
Naging matagumpay din ang Queen Isabela Corononation Night maging ang Makan ken Mainom kung saan nabigyan ng pagkakataon ang bawat Bayan sa Lalawigan na mai-showcase ang kanilang mga natatangi at ipinagmamalaking mga produkto, inumin at pagkain.
Sa katunayan naging pagkakataon din ang Bambanti Festival 2025 para ikasa sa Lalawigan ang isang Business Forum kasama ang Dalawampu’t apat na Ambassadors mula sa iba’t ibang bansa na nagbukas ng mas maraming opurtunidad para sa Lalawigan na mapalawig ang lokal na turismo.
Kasabay nga ng Bamabanti Festival ay pinasinayaan ang kauna-unahang Pansit Festival sa Bayan ng Cabagan tampok ang higanteng bilao ng Pancit Cabagan.
Samantala ilan sa mga naging highlight sa ginanap na Business forum ang ongoing construction ng Ilagan-Divilacan road.
Inihayag ni Governor Rodito Albano na nagpapatuloy ang konstruksyon at inaasahang sa susunod na taon ay maaaring matapos na o madaanan na ito patungo sa coastal town.
Pinag aaralan din ngayon ng Lalawigan ang pag import ng parrot fish para irelease sa coastal area para makatulong sa rehabilitasyon ng coral reefs.
Ang mga Parrot fish ay kilalang aquatic animal na kumakain ng dead corals at na ko-convert ito bilang buhangin sa pamamagitan ng kanilang dumi.