--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinuri ng National Artist for Dance na si Alice Reyes ang ibat ibang aktibidad sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Bambanti Festival 2018.

Tampok kagabi ang kanya-kanyang pagpakitang gilas ng nasa dalawamput isang local government units na kalahok sa isinagawang festival dance competition showndown at search for King and Queen Festival na ginanap sa Provincial Capitol Grounds sa Ilagan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Romy Santos, media consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela, naging matagumpay ang pagtatanghal ng mga street dancers ng bawat LGU’s kaya’t dagsa ang maraming tao mula sa ibat ibang lugar ng lalawigan.

Samantala magiging star studded naman ang isasagawa mamayang gabi na grand finals ng choral competition at tampok ang mga artista na Ogie Alcasid, Elmo Magalona, Janella Salvador at Jonalyn Viray.

--Ads--

Ihahayag din ngayong gabi ang mga mananalo sa ibat ibang kompetisyon na sinalihan ng ibat ibang mga bayan at lunsod ng Isabela.

Layunin ng pagdiriwang ng  Bambanti Festival na ipakilala ang Isabela bilang nangungunang corn producer at ikalawang palay producer sa bansa at isa rin pinakamagandang eco-tourism destination sa Pilipinas.