CAUAYAN CITY – Natutuwa ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela sa pagkakadiskubre ng iba’t ibang produkto ng mga munisipalidad sa Isabela.
Sa kasalukuyan ay kaliwat kanan ang pagdiriwang ng fiesta ng mga bayan at lunsod sa Isabela at naging bahagi na ang pagpapakilala ng kanilang mga produkto lalo na ang kanilang One Town Product (Otop).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela, sinabi niya na hindi nila pinapalampas ang pagkakataon na magtungo sa mga bayan na nagdiriwang ng fiesta at nagsasagawa rin sila ng trade fair.
Sa pamamagitan nito ay nakikita ng DTI ang potensyal ng mga produkto na maaaring ipakilala sa ibang lugar lalo na sa Metro Manila.
Nakikipag-ugnayan din sila sa mga negosyante upang pag-usapan ang mga maaaring gawin upang lumago pa ang kanilang negosyo.
Tinatalakay din nila sa mga negosyante ang mga training para maituro sa kanila ang magandang packaging ng kanilang produkto at magkaroon sila ng karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo
Ipinagmalaki pa ni Provincial Director Singun na kasado na ang pagsasagawa ng Bambanti Tade Fair sa Metro Manila upang ipakilala ang mga produkto ng mga Isabelenio na aprubado ng DTI.