--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagdulot ng mahabang pila ng mga sasakyan ang naganap na banggaan ng dalawang sasakyan sa Palattao Bridge sa Naguillian, Isabela.

Umabot sa boundary sa bayan ng Reina Mercedez ang pila ng mga sasakyan dahil sa nasabing aksidente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PStaff Sgt. Charlie Capuchino, Investigator ng Naguillian Police Station, dalawang isuzu truck na nagkabanggaan ay minamaneho nina Mike Rodriguez, 23 anyos , binata residente ng Santa, Tamauini, Isabela at Ryan Hernandez, 27 anyos at residente ng ng Upi, Gamu, Isabela .

Ang dalawang sasakyan ay magkasalungat na binabagtas ang nasabing tulay nang sakupin ng Isuzu Giga na minamaneho ni Hernandez ang linya ng minamanehong isa pang Isuzu Giga ni Rodriguez sanhi para magkabanggaan ang dalawang sasakyan.

--Ads--

Nagtamo ng sugat si Hernandez kaya agad dinala sa pagamutan.

Agad namang tumulong ang mga pulis upang agad na maialis ang dalawang sasakyan sa nasabing tulay.

Ang dalawang sasakyan na sangkot sa aksidente ay dinala sa Naguillian Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Bahagi ng pahayag ni PStaff Sgt. Charlie Capuchino