CAUAYAN CITY – Natagpaun na ang Fishing Boat kung saan nakasakay ang labinlimang nawawalang mangingisda noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng na naglayag mula sa Dinahican, Infanta, Quezon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sub-Station Commander Ens Cyril Mark Lominio ng Coast Guast Sub-Station Sta. Ana, sinabi niya na sabado ng umaga nang makita ng may-ari ng banka at mga kawani PCG ang nawawalang FBCA Zshan Fishing Boat sa layong 30 nautical miles mula sa barangay Patunungan, Sta. Anna, Cagayan.
Dahil anya sa malalakas na alon noong kasagsagan ng bagyo ay natangay ang lumubog na bangka mula Infanta, Quezon hanggang sa Sta. Ana, Cagayan.
Sa ngayon ay nahila ang bangka sa Port San Vicente, Sta. Ana, Cagayan.
Nagpadala ang Coast Guard District Northeastern Luzon ng mga divers mula sa Special Operations Group kasama ang Marine Environmental Unit para magsagawa ng under water search sa lugar kung saan natagpuan ang bangka subalit wala silang nakitang mga mangingisda.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation sa labinlimang tripulente ng lumubog na fishing boat.
Nagsagawa na rin sila ng Aerial Search katuwang ang Philippine Air Force para mas mapalawak pa ang paghahanap sa mga nawawalang tripulante.