Naging tensyonado ang sitwasyon sa Capitec Bank matapos hindi na mapigilan ng isang pamilya mula sa South Africa ang kanilang galit at dinala ang bangkay ng kanilang kamag-anak sa loob ng opisina ng bangko.
Batay sa mga ulat at video na kumakalat sa social media, nakitang nakabalot at nakalagay sa sahig ang bangkay malapit sa customer service area. Ayon sa pamilya, napilitan silang gawin ang aksyong ito bilang ebidensya ng pagkamatay ng kanilang kamag-anak matapos silang mahirapan sa pagkuha ng kanilang funeral insurance.
Dahil sa insidente, mabilis na inilikas ang mga empleyado at customer, at pansamantalang isinara ang bangko para sa seguridad at kalinisan. Sa kabilang banda, naglabas ng pahayag ang mga ehekutibo ng bangko upang linawin ang proseso.
Pinaalalahanan nila ang mga kliyente na death certificate lamang ang kinakailangan upang maproseso ang anumang claim. Ipinaliwanag ng opisina na Death Certificate lamang ang dadalhin at hindi ang bangkay.
Iniimbestigahan na ngayon ng kumpanya ang insidente upang matiyak na hindi na mauulit ang katulad na nakakagulat na eksena.






