CAUAYAN CITY – Nakilala na ang bangkay na natagpuan noong April 3, 2018 sa isang bangin sa Purok 1 Villa Ventura, Aglipay, Quirino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Reynold Gonzales,hepe ng Alipay Police Station na sa pamamagitan umano ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng media, social networking site, at pakikipag-ugnayan sa mga himpilan ng pulisya ay positibong kinilala ng mga kamag-anak ang bangkay ng biktima.
Ang biktima ay nakilalang si Ingrid Vallarta, tubong Cabanatuan City, Nueva Ecija at isang nesosyante.
Ayon anya sa pamilya ng biktima huling nakita si Villarta noong umaga ng April 3, 2018.
Mayroon na tinitignang anggulo ang Aglipay Police Station katuwang ang Cabanatuan City Police Station sa naturang krimen.
Nauna rito ang biktima ay natagpuan ang katawan sa isang bangin na nakabalot ng garbage bag ang mukha habang ang katawan ay binalutan ng packing tape.
Lumabas sa pagsusuri sa Crime Laboratory na walang palatandaan na minaltrato ang biktima dahil walang nakitang galos o sugat sa katawan.
Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima bagamat una nang inihayag ng Scene of the Crime Operatives ( SOCO ) na Suffocation ang ikinamatay ng biktima.




