--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihinalang hinalay ang isang bangkay ng batang natagpuan sa Mabiret River, Purok 4, Balluarte, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, may taas na 4 feet ang bangkay na may suot na itim na T-shirt at wala na umanong saplot pang-ibaba at tinatayang nasa sampung taong gulang.

Batay sa report ng mga awtoridad, isang concerned citizen ang nagpabatid sa kanilang himpilan tungkol sa bangkay na natagpuan sa nasabing lugar na agad pinuntahan ng mga kasapi ng SCPO Station 3 at SOCO.

Nakita umano ni Feliciano Gordo na residente ng Purok 3, Calaocan ang bangkay habang naglalaba sila sa ilog.

--Ads--

Ayon sa salaysay ng mga nakakita bahagya pang nakalubog sa ilog ang bangkay at laking gulat nito nang makita ang bangkay ng bata.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso at tuluyan na ring kinilala ng mga magulang ng biktima na pumayag na ipasailalim sa autopsy.

Ang nasabing bangkay ng bata ay nasa Carbonel Funeral Homes.