--Ads--

CAUAYAN CITY– isasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng isang construction worker na natagpuang nakabitin sa puno ng mangga sa barangay dabburab, Cauayan City

Pinaniniwalang nagpakamatay si Jaime Calicdan Jr, 21 anyos, may-asawa sa pamamagitan ng pagbigti.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Ricardo Calicdan, tiyuhin ni jaime na magpapakain sana siya ng kanyang alagang kalabaw nang makita ang isang nakabitin sa isang puno ng mangga sa palayan sa barangay Dabburab, Cauayan City.

Una niyang inisip na may nanloko sa kanya at isang multo ang kanyang nakita.

--Ads--

sinabi ni G. Calicdan na ang alam nilang suliranin ng kanyang pamangkin ay tumatanggi ang misis ng biktima na ipasyal sa kanya ang kanilang mahigit 1 anyos na anak.

Ang asawa ni Jaime ay pansamantalang naninirahan sa bahay ng kanyang mga magulang sa Buena Suerte, Cauayan City mula nang magtrabaho siya sa construction.

Sinabi naman ni Mary Grace, misis ni Jaime na hindi naman niya ipinagkakait ang kanilang anak.

Ang ayaw lang niya sa kanyang mister ay halos hatinggabi na kung magpunta sa kanila at nasa impluwensiya pa ng alak.