CAUAYAN CITY – May sinusundan ng gabay ang Cauayan City Police Station sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki sa brgy. Cabaruan.
Ang natagpuang wala nang buhay ay Sonny Babas, 43 anyos, binata at residente ng barangay Cabaruan, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan natagpuan ang bangkay ni Babas na nasa loob ng balon sa isang abandonadong lote matapos mapadaan ang isang concerned citizen at makaamoy nang masangsang na amoy.
Una ng iniulat ng pamilya sa Cauayan City Police Station ang pagkawala ni Babas matapos umalis at hindi magpaalam.
Huling nakita ang biktima noong araw ng martes.
Patuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkamatay ni Babas sa kabila na naniniwala ang pamilya nitong walang foul play sa pagkamatay ng kaanak.




