CAUAYAN CITY– Nakilala na ang bangkay ng lalaking natagpuan sa Addalam River, Sitio Disirit, Barangay Addalam, Jones, Isabela.
Ang bangkay ay nakilalang si Jose Albano Sacatrapos, 69 anyos, magsasaka at residente ng Tupax, Jones, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station Kasama ni Joey Sacatrapos anak ng biktima ang kanyang mga tiyahin na sina Winnie Suip at Carlina Bajade na nagtungo sa kanilang himpilan upang tignan ang bangkay na natagpuan matapos nilang marinig sa Bombo Radyo Cauayan.
Sinamahan anya nila sa punrerya kung saan nakalagak ang biktima at kinilala ni Joey na ang ama nitong si Jose Sacatrapos ang natagpuang bangkay.
Batay sa salaysay ng anak, noong linggo ay umalis ang kanyang ama na hindi nagpapaalam at kinumpirma rin nito na mayroong suliranin sa pag-iisip ang magulang.
Hinanap anya nila ang ama ngunit hindi nila natagpuan hanggang sa mapakinggan sa Bombo Radyo Cauayan ang bangkay na natagpuan kayat kanilang pinuntahan.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives o SOCO na namatay sa pagkalunod ang biktima na pinaniwalaan naman ng pamilya nito.