--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa isang irrigation canal sa barangay Alunan, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nakita ng magsasakang si Roger Dela Cruz, 53 anyos, residente Manga, Quezon, ang naaagnas nang bangkay ng lalaki nang nagtungo siya sa nasabing lugar upang ayusin ang tubo na gagamitin sa pagpapatubig ng kanyang sakahan.

Matapos ipabatid sa mga opisyal ng barangay sa Quezon Police Station ang pangyayari ay agad silang nagtungo sa naturang lugar.

Ang biktima ay malaki ang pangangatawan, dilaw ang t-shirt at nakasuot ng short pants.

--Ads--

Ang bangkay ng lalaki ay dinala na sa isang punerarya at sa mga nawawalan ng kamag-anak ay makipag-ugnayan lamang sa Quezon Police Station.