--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihinalang mayroong foul play sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa barangay Bangar, Alfonso Lista, Ifugao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SPO1 Alvaro Siclegen, tagasiyasat ng Alfonso Lista Police Station na natapos na ang pagsusuri ng manggagamot sa mga labi ng lalaki.

Natuklasang mayroong malalim na sugat sa ulo na sanhi ng taga ng biktima gayundin sa kanyang mukha.

Dahil dito naniniwala ang pulisya na itinapon lamang sa Alfonso Lista ang bangkay ng biktima sa ilog magat sa Barangay Bangar at pinatay sa ibang lugar.

--Ads--

Ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 40 anyos, mayroong tattoo sa kanyang likod na letter P at R.J., naka-suot ng t-shirt na kulay asul at shorpants na itim.

Maaring nasa tatlo hanggang limang araw na ang bangkay ng matagpuan sa gilid ng ilog.