--Ads--

CAUAYAN CITY Nakilala na ang bangkay na natagpuan sa Chico River sa bahagi ng Catabbogan, Pinukpuk, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ruff Manganip, spokesperson ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang anak nito at kinilala ang bangkay na si William Cagdan, residente iti Malagnat, Pinukpuk, Kalinga.

Batay sa anak ng biktima, inihatid nito ang inaning saging sa Centro Malagnat noong Lunes, ikadalawamput apat ng Hunyo at bumalik sa kanilang bahay sa Sitio Sugyang sa nasabi ring araw ngunit nalunod sa kanyang pagtawid sa Malagnat River na konektado sa Chico River.

Aniya may breathing apparatus na ang biktima sa kanyang lalamunan dahil sumailalim na ito sa medical operation bago ang insidente.

--Ads--

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng biktima noong Myerkules, ikadalawamput anim ng Hunto sa Chico River.

Nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang bangkay upang matiyak na walang foul play sa pagkamatay nito.

Pinaalalahanan ni PCpt. Manganip ang publiko na iwasan na ang pagtawid sa mga ilog lalo na kung walang gamit upang maiwasan ang pagkalunod.