--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa rin kinukuha ang bangkay ng isang matandang babaeng namatay sa aksidente matapos mabunggo ng sasakyan  noong ika-dalawa ng Disyembre sa Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan tinatayang nasa 4’11 ang tangkad at hinihinalang siya ang matandang laging nakatambay sa isang malaking mall ng lunsod.

Nanawagan pamunuan ng Santiago City Police Office sa mga kaanak ng biktima na makipag-ugnayan sa kanila upang makita ang bangkay.

Sa kasalukuyan ang bangkay ng biktima ay nasa isang punerarya ng lunsod samantalang ang tsuper na  nakabunggo  sa biktima ay nasa pangangalaga na ng pulisya.

--Ads--