--Ads--

CAUAYAN CITY -Naantala ang pag-uwi sa labi ni Deserie Tagubasi, residente ng Lullutan, Ilagan City na nasawi sa Taiwan dahil sa tinamong severe burns matapos aksidenteng mabuhusan ng hydroflouric acid.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Health and Safety Department ng Taiwan sa nasabing insidente.

Bago pa aniya nasawi si Tagubasi sa ospital ay nakaalalay na sa kanya ang welfare officer ng OWWA.

Nasa Taiwan na rin ang isang kapatid na umaasikaso sa pag-uwi sa bangkay ng Ofw.

--Ads--

Ayon kay Administrator Cacdac, tinututukan na ng kanilang welfare officer ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa Taiwan.

Hindi anya dapat madaliin ang imbestigasyon upang maging pulido ang kalalabasan nito.

Ang tinig ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac