--Ads--

Dumating na sa Tuguegarao Airport ang bangkay ng OFW na si Maryan Pascual Esteban, na nasawi sa malagim na sunog sa Tai Po, Hong Kong noong Nobyembre 26, 2025.

Mismong si Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, kasama sina DMW 2 Regional Director Rogelio Benitez at OWWA 2 Regional Director Virsie Tamayao, ang personal na sumalubong sa bangkay. Ayon kay Sec. Cacdac, mariing ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang agarang pagbigay ng tulong sa pamilya ni Esteban, lalo na sa naiwang 10-taong gulang niyang anak.

Si Esteban, tubong Sta. Isabel, Jones, Isabela, ay naninilbihan sa Hong Kong bilang domestic helper at siya ang nag-iisang Pilipinong nasawi sa naturang trahedya. Inutusan din ng pangulo ang mabilis na pagsasaayos ng mga dokumento upang mauwi agad ang kanyang bangkay sa bansa.