--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan na kahapon ng Search and Rescue Team na pinangunahan ng mga personnel ng Tactical Operations Group TOG) 2 ng Philippine Air Force (PAF) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang bangkay ng welder na nalunod habang nangingisda sa isang fishpond sa barangay San Pablo, Cauayan City.

Ang biktima ay si Angelo Luis Velarde, 24 anyos, may asawa at residente ng Alibagu, City of Ilagan.

Batay sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nagpunta ang biktima sa isang fishpond na konektado sa sapa kasama ang kanyang mga kamag-anak para mangisda subalit nagawi siya umano sa malalim na bahagi ng fishpond dahilan para siya ay malunod.

Sinikap ng kanyang mga kasama na iligtas ang biktima subalit hindi siya natagpuan kaya humingi sila ng tulong.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa TOG2, PAF ay natagpuan kahapon ang katawan ni Velarde.