--Ads--

Arestado ang isang barangay kagawad matapos mahuli sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 5, Barangay Mabini, Santiago City bandang alas-2:30 ng hapon nitong Marso 9.

‎Kinilala ang suspek sa alyas na “CJ,” isang barangay kagawad at residente ng San Mateo, Isabela.

‎Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 0.5 gramo at may halagang ₱3,400, kasama ang buy-bust money, isang aqua blue Infinix Android cellphone, at isang itim at kulay abong Honda Click na motorsiklo na walang plaka.

‎Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 2 – Quirino Provincial Office sa koordinasyon sa Santiago City Police Office–Police Station 4, City Intelligence Unit at PDEA Special Operations Unit 2.

‎Kasalukuyang nasa kustodiya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.