--Ads--

Inaresto ng mga otoridad ang isang barangay kagawad at kaniyang kinakasama sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. San Vicente, Ilagan City.

Kinilala ang mga suspek bilang alyas “Rey,” na kasalukuyang Brgy. Kagawad, at alyas “Joy,” na negosyante.

Ayon sa mga otoridad, matagal na minanmanan ang dalawa na kapwa tinaguriang “High Value Individuals.”

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360, buy-bust money, sling bag, pitaka, cellphone, at isang sasakyan na ginagamit sa pakikipag transaksyon.

--Ads--

Matapos ang isinagawang imbentaryo dinala ang mga suspek sa himpilan ng Ilagan City Police Station para sa karagdagang dokumentasyon.

Sa ngayon mahaharap sina alyas “Rey” at “Joy” sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.