--Ads--

Dinakip ang isang Barangay Kagawad na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property sa Dacamay Uno, Jones, Isabela.

Ang dinakip ay si Brgg. Kagawad Napoleon Matias, 43 anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Isinilbi ng mga kasapi ng Jones Police Station ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Heherson Casareno laban kay Matias.

Ito ay dahil sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.

--Ads--

Habang nagpapatrolya ang pulis ay namataan nila ang pinaghihinalaan kaya kanilang dinakip.

Nagtago si Matias kaya nahirapan ang pulisya na siya ay hanapin.

Naglagak ng piyansang P30,000.00 ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan