--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng Angadanan Police Station pagkamatay ni Barangay Kagawad Danilo De Leon Manalastas, 60-anyos matapos matagpuan malapit sa irrigation canal sa Brgy San Ambrocio, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, Nagtungo si Kagawad Manalastas sa kaniyang palayan para patubigan ito ngunit hindi na ito umuwi hanggang matagpuan siya ni Barangay Kapitan Edgar Volante na wala nang buhay.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa Angadanan Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Sa ngayon, tinignan pa kung may foul play sa pagkamatay ng naturang Barangay Kagawad.

--Ads--