CAUAYAN CITY– Namatay ang isang barangay Kagawad matapos bumangga ang sinasakyang tricycle sa isang motorsiklo sa Barangay Santa Filomina, San Mariano, Isabela.
Ang nasawi ay si Barangay Kagawad Eleseo Badua, 57 anyos, may-asawa at Barangay Kagawad ng Santa Filomina, San Mariano, Isabela, habang ang nagmamaneho ng nakabanggaang motorsiklo ay si Robert Ramos, 37 anyos at residente ng Makindol, Benito Soliven, Isabela.
Sakay din ng tricycle si Mario Antonio Jr., 31 anyos, residente ng Pallutan, San Mariano, Isabela na dinala rin sa pagamutan ngunit nasa maayos nang kalagayan
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Edgar Manuel Jr., hepe ng San Mariano Police Station na papauwi na ang biktima sakay ng minamanehong tricycle nang mapansin ang motorsklong minamaneho ni Ramos na pagewang-gewang hanggang magkaroon ng head-on collision.
Ang biktima ay nagtamo ng fatal injuries sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at idineklara ng kanyang attending physicial na dead on arrival sa pagamutan.
Nagpositibo sa alcoholic breath test ang pinaghihinalaan at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.