--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na inaalam ng Reina Marcedes Police Station kung may mga dokumento ang baril na aksidenteng pumutok at ikinasugat ng barangay kapitan ng Sallucong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Mario Desipulo, Deputy chief of police ng Reina Mercedes Police Station sinabi niya na magpapadala sila ng sulat sa Kampo Krame na humihiling upang malaman ang status ng baril ni Barangay Kapitan Jerry Domingo Jr., 34 anyos.

Tinamaan ng bala sa kanyang kanang hita ang barangay kapitan matapos aksidenteng pumutok ang nililinis na daewoo 9mm at isinugod sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City .

Ayon pa kay Sr. Insp. Desipulo, sa hawak nilang masterlist ng mga gunholder sa bayan ng Reina Marcedes ay hindi kabilang ang pangalan ni Domingo.

--Ads--

Limitado pa ang binibigay na impormasyon ng pulisya tungkol sa baril ni Domingo hanggat wala pang tugon mula sa Firearm and Explosives Division ng Camp Crame.