--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Barangay kapitan sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad sa Barangay Casilagan 14-16.

Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Isabela Provincial Office, Ilagan City Police Station at Provincial Intelligence Unit maging ng Provincial Drug Enforcement Unit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jeffrey Raposas ang hepe ng City of Ilagan Police Station sinabi niya ang naaresto ay si Joseph Uy, 39-anyos na Kapitan ng Santa Isabel Sur.

Nasamsam mula sa suspek ang isang pakete ng shabu na may estimate street value ng Php 6,800.00.

--Ads--

Isang unti ng caliber 9mm na baril na may magazine at siyam na bala, motorsiklo at dalawang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591.