--Ads--

CAUAYAN CITY- Sasampahan ng kasong direct assault upon a person in authority ang isang lalaki matapos sapakin ang barangay kapitan ng Labinab Grande, Benito Soliven, Isabela kagabi sa isang kasalan.

Ang suspek ay si Melvin Respicio, 54 anyos, isang welder habang ang biktima na barangay kapitan ay si Rodrigo Pascual, 54 anyos na kapwa residente ng nasabing barangay.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, tumugon ang barangay kapitan dahil lumilikha umano ng kaguluhan sa isang kasalan ang suspek habang siya ay nasa impluwensya ng alak.

Subalit sa halip na magpa-awat ay patuloy sa pagwawala ni Respicio hanggang sa nasuntok nito ng ilang beses ang barangay kapitan.

--Ads--

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, kinumpirma ni Kapitan Pascual na dati ng lumilikha ng kaguluhan sa kanilang barangay ang naturang suspek.

Inihayag din ng punong barangay na kabilang si Respicio sa drug watchlist ng pulisya.

Desidido rin siya na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa pinaghihinalaan.