--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang barangay kapitan sa San Isidro, Isabela na nakumpiskahan ng mga baril at maraming bala.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Col. Arturo Marcelino, pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela na umamin si Barangay Kapitan Reynaldo Hope, 48 anyos ng Gud, Sa Isidro, Isabela na pag-aari niya ang mga baril at bala na natagpuan sa kanyang bahay sa pagsisilbi nila ng search warrant.

Sinabi umano ni Hope na collection lamang niya ang mga baril at mga bala.

Nasamsam sa bahay ng barangay kapitan ang isang M16 armalite rifle na may mahigit 300 na bala, isang Caliber 45 at isang Caliber 38 at mga magazine.

--Ads--

Bukod dito ay nakumpiska rin ang maraming bala at magazine ng iba’t ibang kalibre ng baril kabilang ang dalawang bala ng M203 rifle grenade.