CAUAYAN CITY – Ikinatuwiran ng Punong-Barangay ng Zamora, San Mariano na tinalakay sa kanilang Pambarangay na konseho at mayroong appropriations ordinance ang paggamit sa pondo ng Sangguniang Kabataan.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng inirereklamong si Punong-Barangay Guilbert Bautista na tinakalay nila ito sa Sangguniang Barangay at mayroong appropriations Ordinance ang paggamit sa pondong mahigit P/100,000.00 ng Sangguniang Kabataan.
Ayon pa kay Kapitan Bautista na ang nasabing pondo ay nakaprograma at may appropriations ordinance kung saan ginamit ito na pambili ng fiber glass at paggawa sa basketball pavement.
Napagkasunduan ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng San Mariano na ipapatawag ang mga nagrereklamong 7 barangay kagawad, barangay treasurer at inirereklamong punong-barangay sa susunod na committee hearing kaugnay sa nasabing reklamo
Nauna rito, matapos basahin ni Sangguniang Bayan Member Susan Duca sa konseho ang reklamo ng mga barangay kagawad sa kanilang punong-barangay ay ipinasakamay na niya kay Liga ng mga Barangay President Eddie Viernes.
Ayon naman kay LMB President Viernes na dahil hindi under oath ng mga barangay Kagawad ng barangay Zamora ang kanilang sulat ay kailangang ipasok sa committee hearing na pamumumunuan ni SB Member Duca na Committee on Justice




