--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpositibo sa Rapid Anti Body Test ang isang Barangay Liaison Officer (BLO) sa Rosario, Santiago City.

Kinumpirma ito ni Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Lunsod sa pamamagitan ng isang text message.

Ayon kay Dr. Manalo isinagawa ang pagsusuri sa halos limampung barangay officials, barangay police at volunteers ng Barangay Rosario, at nagpositibo ang nasabing BLO.

Agad naman itong kinuha ng mga kawani ng CHO at dinala sa Quarantine Facility ng Lunsod para sa kaniyang isolation.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Rodolfo Soriano ng Barangay Rosario, sinabi niya malapit siya sa nasabing BLO na isa sa ikalawang batch ng sumailalim sa Rapid testing.

Masigla at wala namang kakaibang nararamndaman ang nasabing BLO at wala ring travel history sa mga lugar na nakapagtala ng COVID-19.

Sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ang kalagayan ng nasabing BLO sa itinalagang Isolation Facility ng Santiago City Health Office.