
CAUAYAN CITY– Naghahanda na ang mga opisyal ng barangay para sa isasagawang “Todas Dengue Todo na ‘to, ikasiyam na kagat”sa layuning masugpo ang mga pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Liga ng mga Barangay Federation President Dante Halaman na noong nakaraang linggo ay nagpulong ang lahat ng mga LMB presidents sa Isabela at tinalakay nila ang ipinalabas na Executive Order Number 07 series of 2022 na naglalayong magkaroon ng paglilinis sa mga barangay upang mapigilan ang pagtaas ng tinatamaan ng dengue sa lalawigan.
Nakasaad sa naturang Executive Order ang paglilinis sa buwan ng Hulyo upang masugpo ang pinamumugaran ng lamok.
Napagkasunduan sa pulong ng mga opisyal ng barangay na magsisimula ang kanilang Oplan linis sa kanilang nasasakupan sa ikadalawamput lima ngayong Hunyo .
Lahat anya ng mga opisyal ng barangay, mga sangguniang kabataan, mga barangay Tanod at mga mamamayan ay maglinis sa paligid pangunahin na sa kanilang estero at kanal
Inatasan ang lahat ng mga opisyal ng barangay na imonitor ang paglilinis sa kanilang nasasakupan.
Dapat din na ang mga guro sa mga paaraan ay makipagtulungan sa kanilang mga opisyal ng barangay na maglinis sa mga paaralan
Magkakaroon din ng Cutting at pruning ng mga puno upang mapaghandaan ang panahon ng bagyo.










