--Ads--

CAUAYAN CITY- Inirereklamo ang isang Barangay Tanod matapos na di umano’y sumugod, mangulo at nag eskandalo sa isang bahay sa Barangay Minante Uno, Cauayan City, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Felina Rufino, sinabi niyang sumugod sa kanilang bahay ang barangay tanod at hinahanap ang kaniyang asawa na si Romy Rufino.

Kasabay nito ay ang pagbabanta ng tanod na babalatan at papatayin ang kaniyang mister.

Ikinagalit umano ng suspek ang umano’y panghihimasok ng kanyan asawa sa buhay ng brgy. tanod dahil umano sa ilang bagay na naikwento niya kay Ginoong Rufino.

--Ads--

Dahil sa takot ay agad nila itong idinulog sa Barangay at nakatakdang sanang magusap subalit nadismaya sila dahil agad na na nagpasya ang lupon na huwag siyang papasukin sa nakatakda sanang paghaharap  ng mga ito ng suspek.

Pinabulaanan naman ni Ginoong Rufino ang mga akusasyon ng suspek laban sa kaniya.

Nanindigan naman si Punong Barangay Sherwin Cortes na may sariling paraan ang Lupon Tagapamahala sa pagtugon sa mga reklamo sa barangay.

Marahil aniya ang hindi pagpayag na makapasok sa Barangay Session hall si Ginoong Romy ay isa sa mga pinakamainam na paraan para maiwasang magkasagutan ang mga ito sa kanilang tanggapan.