--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang barangay tanod makaraang magbigti sa barangay Tagaran, Cauayan City.

Ang nagbigti ay si Edgardo Benedicto,29 anyos, binata residente ng Tagaran, Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station, nakita umano ng kabitbahay ang katawan ni Benedicto na nakabitin sa puno ng mangga na walang malay.

Kaagad na siyang tumawag sa mga otoridad upang ipagbigay alam ang pangyayari.

--Ads--

Agad namang tumugon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station at Rescue 922 subalit nakitang patay na si Benedicto.

Naniniwala naman ang pamilya ni Benedicto na walang foul play sa pagpapakamatay ng kanilang kaanak.