--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsauli ang isang Barangay Tanod sa Mallig, Isabela ng wallet na naglalaman ng libu-libong pera sa Mallig Police Station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PSMS Claro Rodriguez, Municipal Executive Senior Police Officer ng Mallig Police Station na nagtungo sa kanilang himpilan si Barangay Kapitan Domingo Balagan ng Centro 2, Mallig kasama ang kanyang Barangay Tanod na si Jose Allawigan na nakapulot ng wallet na naglalaman ng P27,600 na pera at mga ID.

Aniya, nagtitinda ng pandesal ang Barangay Tanod nang makita niya ang wallet sa Barangay San Pedro at dinala niya ito sa barangay kapitan ng Centro 2 para ipasakamay.

Sa ngayon ay naibalik na sa may-ari ang wallet at ayon aniya sa may-ari, napagbentahan nila ng kanilang ani ang pera at gagamitin din itong pambili ng farm inputs.

--Ads--

Payo ng pulisya sa mga mamamayan na mag-ingat kapag may hawak na mahalagang bagay para hindi mawala.

Tinig ni PSMS Claro Rodriguez.