Inirereklamo na sa lungsod ng Cauayan ang barker ng mga kandidato dahil sa ingay na dulot sa mga residente.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division o POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na tuwing halalan ay nakakatanggap talaga sila ng ganitong reklamo.
Dahil dito ay pinaalalahanan nila ang mga supporter ng mga kandidato na nag-iikot gamit ang sasakyan at nagpapatugtog ng mga jingle na maging mapanuri at tiyaking hindi nakakaistorbo sa publiko ang ingay ng kanilang sound system.
Iwasan din ang pag-iingay kapag malapit sa mga eskwelahan at simbahan dahil sa maaring magdulot ito ng distraction sa pag-aaral at pagsamba.
Huwag ding masyadong lakasan ang pagpapatugtog lalo na sa mga residential areas kung saan may mga nagpapahingang mga residente.
Ayon kay POSD Chief Mallillin, disiplina at propesyonalismo ang kailangan para sa tahimik na panahon ng pangangampanya.