--Ads--

Isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang namataan malapit sa Manila Bay nitong Biyernes, na tila may layuning salubungin at sundan ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong sa General Area ng Panatag (Scarborough) Shoal.

Ayon kay Ray Powell, ang nagtatag ng maritime tracker na SeaLight, ang CCG 3306 ay nakapwesto lamang sa labas ng 24 nautical mile contiguous zone at hindi pa pumapasok sa loob ng archipelagic waters ng bansa

Ayon pa kay Powel, hinihintay ng China Coast Guard sa labas lang ng Manila Bay na makalabas ang BRP Cape San Agustin at tila determinado ang China na salubungin at samahan ang anumang barkong Pilipino na papunta sa direksyon ng Scarborough Shoal.

Dagdag pa niya, hindi ito ang unang pagkakataon na nakalapit ang isang barko ng CCG sa Manila Bay.

--Ads--

Ang pangyayaring ito ay kasunod ng insidente ng banggaan ng mga barko ng China sa Panatag Shoal.

Noong Lunes, hinabol ng CCG 3104 ang BRP Suluan at nagsagawa ng mapanganib na pagmaniobra na nagresulta sa banggaan nito sa isang barko ng People’s Liberation Army Navy na may hull number 164.