--Ads--

Binasag na ng aktor na si Baron Geisler ang katahimikan ukol sa isyung pansamantala siyang nakulong matapos arestuhin dahil sa pagwawala sa sobrang kalasingan sa Mandaue City, Cebu.

Sa Facebook post nitong Lunes, February 24, sinabi ni Baron na “I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.”

Gayunpaman, hindi sinabi ng aktor kung anong isyu ang kanyang tinutukoy.

Ayon kay Mandaue City Police Office Spokesperson Police Lt. Col. Mercy Villaro, nakipag-inuman ang aktor kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan.

--Ads--

Nakatanggap umano ang kanilang Canduman Police Station ng tawag hinggil sa pagwawala ni Baron.

Pagkatapos ay inaresto umano ang aktor ng mga pulis dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 11-2008-434 o drunkenness.

Makalipas ang ilang oras, nakalabas ng kulungan si Baron matapos umanong magbayad ng P500 na multa ang kanyang asawa.