--Ads--
Humingi ng Political Asylum ang Pangulo ng Syria na si Bashar Al-Assad matapos siyang mapatalsik sa Syria nang masakop ng mga rebeldeng grupo ang Damascus.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Paulo Prado ng Russia, sinabi niya na nagtungo sa Moscow, Russia si Assad para humiling ng protection sa Russian Federeation.
Hindi naman aniya ito ang unang pagkakataon na mayroong nagtutungo roon para humingi ng Political Asylum dahil regular itong ipinagkakaloob sa mga taong humihiling nito – ordinaryo man o Politiko.
Aniya, wala umanong reaksyon ang karamihan sa mga Russian sa pagtungo roon ni Assad dahil malaki umano ang tiwala nila sa kakayahan ng Russia pagdating sa Military Defense.
--Ads--